Wednesday, July 21, 2010

Sa Gitna ng Ulan

Umuulan na naman,
Masarap kumain ng champorado.
Naalala ko pa hanggang ngayon,
Sabay tayo kumakain noon.

Gusto mong naglalakad sa ulan,
Gusto ko sa may shed dumadaan.
Magkaiba man tayo ng trip,
Sabay pa rin tayo sumasakay ng jeep.

Hinahatid mo ‘ko sa bahay namin,
Magkukwentuhan tayo sandali.
Maya - maya magpapaalam ka na
Kailangan mo na rin kasing umuwi.

Pagdating ng gabi, text to the max,
Akala mo naman wala ng bukas.
Hindi napapagod, magdamag hanggang umaga
‘Yan tuloy puro tagyawat na sa mukha.

Araw – araw puro gano’n.
Gabi – gabi puro ganyan.
Akala ko tuloy hindi magkakasawaan.

Minsan kami’y nagkita, umuulan na naman.
Bigla niya na lang sinabi, “ Ayoko na. Ayoko na.“
Na-shock naman ako, bigla akong napanganga.

“Bakit naman? Bakit naman?”
Tanong ko agad sa kanya.
Hindi na siya nagsalita,
Tumalikod na lang bigla.

Naiwan akong nakatayo
Hindi malaman ang gagawin.
Siya ba ay hahayaan
O siya ba ay hahabulin?

Lumipas ang mga araw,
Nasanay na wala ka.
Nagpatuloy pa rin ang buhay
Kahit nag-iisa.

Hanggang ngayon iniisip ko pa,
Ano kaya ang dahilan,
At ako ay kanyang iniwan
Sa gitna nitong ulan.